BPE sa BARMM, nananatiling tahimik - Comelec
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na nananatiling payapa at maayos ang pangkalahatang sitwasyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa kabila ng nalalapit na unang Bangsamoro Parliamentary Elections (BPE) sa Setyembre 14, 2026.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, napakatahimik pa ng rehiyon at iisa pa lamang ang naitalang insidenteng may kinalaman sa eleksyon sa kasalukuyan.
Matatandaang nag-deploy ang mga awtoridad ng karagdagang security personnel matapos ang pananambang na naganap sa convoy ni BARMM Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua sa Barangay Dulangan, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte noong Agosto 15.
Ikinaklasipika naman ng PNP ang naturang insidente bilang isang “suspected election-related incident”.
- Latest















