Tiyahing pulis sa Tacloban shooting kakasuhan

MANILA, Philippines — Pinakakasuhan na ng Department of Justice ang pulis na may-ari ng baril na ginamit ng suspek sa school shooting incident sa Tacloban City noong Hunyo.
Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, inirekomenda ng Office of the City Prosecutor ng Tacloban City ang pagsasampa ng kasong reck-less imprudence resulting in multiple homicide and physical injuries laban kay PSSgt. Arla Ray Pacencia, matapos lumabas sa imbestigasyon na ang service firearm niya ang ginamit sa insidente ng pamamaril ng pamangkin noong Hunyo 22, sa San Jose National High School sa Tacloban City na ikinasawi ng tatlong estudyante at ikinasugat ng 20 iba pa.
Binanggit ng DOJ na ang rekomendasyon ay resulta ng preliminary investigation na isinagawa sa reklamong inihain ng mga magulang at estudyante ng San Jose National High School. Bailable naman ang kasong isasampa laban kay Pacencia.
Kasalukuyang nasa kustodiya naman ng Regional Rehabilitation Center for the Youth in Tanauan, Leyte ang pamangkin ni Pacencia na 14-anyos at kapwa Child in Conflict with the Law (CICL) na 15-anyos.
- Latest




















