‘One-week duty, two-weeks off’ ng mga pulis, itinanggi ng NCRPO

MANILA, Philippines — Mariing pinabulaanan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kumakalat na balita sa social media na “one-week duty, two-weeks off” arrangement at sa eight-hour duty schedule ng kanilang mga tauhan.
Sa isang pahayag, sinabi ng NCRPO na ang mga ulat ay “entirely false” at hindi sumasalamin sa anumang opisyal na ipinatutupad na patakaran.
Nananatiling umiiral ang programa at patakaran sa kapakanan ng mga tauhan at work arrangements, ayon pa sa NCRPO.
Kinondena rin ang pagpapakalat ng fake news at maling impormasyon.
Hinimok din ang publiko at ang mga tauhan ng pulisya na huwag maniwala sa mga hindi beripikadong impormasyon at sa halip ay alamin muna sa mga opisyal na channel ng NCRPO para sa mga update.
Ang paglilinaw ay kasunod ng kumakalat na mga post sa social media na tumatalakay sa umano’y pagbabago sa duty schedules ng mga pulis sa Metro Manila.
- Latest

















