^

Metro

Porsche ni Derek Ramsay isusubasta - BOC

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Porsche ni Derek Ramsay isusubasta - BOC
Ininspeksyon nina Customs Commissioner Ariel Nepomuceno at Land Transportation Office (LTO) Chief Markus Lacanilao ang supercar na Porsche 918 ng actor na si Derek Ramsay na kinumpiska dahil sa paggamit ng pekeng plaka.
Miguel de Guzman

Hindi nagbayad ng tax

MANILA, Philippines — Isusubasta ng Bureau of Customs (BOC) ang Porsche 918 Spyder na pag-aari ng aktor na si Derek Ramsay matapos matuklasang ilegal ­umano ang pagkakapasok nito sa bansa.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Customs Commissioner Ariel Nepo­muceno na iisyuhan nila ng warrant of seizure and detention ang sasakyan at itatakda ang pagsusubasta.

Lumilitaw na ang nasabing supercar ay in-import sa Pilipinas noong 2021 at nagkakahalaga sa pagitan ng P50 milyon at P100 milyon ngunit idineklara ito sa BOC bilang isang Porsche Boxster na nagkakahalaga lamang ng P10 milyon kaya nasa P1.8 milyon lamang ang binayarang tax.

Dahil dito, sinabi ng customs chief na kakasuhan nila ang importer, shipper, at consignee ng imported na sasakyan, gayundin ang Customs officer na humawak ng deklarasyon nito. Natukoy na nila ang importer ng sasakyan na isang kum­panya mula sa ­United Arab Emirates habang ang shipper naman ay ang Emirates National General Trade. Ang consignee umano nito ay ang Tobirama Enterprises at ang BOC officer na na­ngasiwa sa importasyon ay natukoy sa pangalang Richard Singh Colasco.

Sinabi naman ni Land Transportation Office (LTO) Chief Markus Lacanilao na papanagutin nila ang LTO personnel na nagrehistro ng Porsche 918 Spyder. Nakakuha ng mga dokumento at rehistro ang sasakyan kahit may nakitang problema sa deklarasyon nito sa Customs.

Nilinaw naman ni Ramsay na hindi siya ang nag-import ng sasakyan at binili niya ito apat na taon na ang nakalilipas mula sa isang nagngangalang Jhon Lee ng JWorks na nagsabing nabayaran na ang mga buwis at iba pang kaukulang obligasyon para sa sasakyan.

Iginiit ng aktor na binili niya ang Porsche nang “in good faith” at naniniwalang maayos at kumpleto ang mga dokumento at rehistro nito.

BUREAU OF CUSTOMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with