^

Probinsiya

State of calamity sa Zambales inirekomenda

Jojo Perez - Pilipino Star Ngayon
State of calamity sa Zambales inirekomenda
The isolated northern and southern parts of Barangay Sta. Fe, San Marcelino, Zambales after the bridge was swept away by river current on August 9, 2026.
San Marcelino LGU

IBA, Zambales, Philippines — Inirekomenda ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) na isailalim sa state of calamity ang buong lalawigan ng Zambales kasunod ng malawakang pagbaha at matinding pinsalang dulot ng pinalakas na habagat at mga bagyong Luis at Maymay.

Nakapaloob ang rekomendasyon sa PDRRMC Resolution No. 02, Series of 2026, na pinagtibay noong Agosto 19 sa Provincial Capitol sa Iba, Zambales sa ilalim ng pamumuno ni Zambales Gov. Hermogenes “Jun” Ebdane Jr., chairman ng PDRRMC, at pinagtibay ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Rolex Estella.

Batay sa PDRRMO Situational Report No. 23, umabot sa 5,770 pamilya o 17,317 indibidwal ang naapektuhan ng kalamidad. Kabilang sa pinakamalubhang pinsala ang pagkawasak ng Sta. Fe Bridge sa San Marcelino matapos tangayin ng malakas na agos ng ilog. Nasa 119 residente ng Sta. Fe ang napilitang lumikas dahil sa pagbaha at dinala sa mas ligtas na lugar.

Tinatayang nasa P390.22 milyon ang pinsala sa imprastraktura ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), habang P966.25 milyon ang kinakailangang pondo para sa recovery, rehabilitation at reconstruction. Nasa P96.85 milyon ang pinsala sa mga flood-control infrastructure, habang P114 milyon ang kakailanganin para sa pagsasaayos at rehabilitasyon ng mga ito.

Sa agrikultura, umabot sa 810.48 ektarya ng palayan na pag-aari o sinasaka ng 1,007 magsasaka ang naapektuhan na nagresulta sa tinatayang P11.22 milyong pagkalugi.

Sa pinagsamang pangunahing datos sa ulat, lampas sa P487 milyon ang pinsala sa imprastraktura at flood-control facilities pa lamang, bukod pa sa pagkalugi sa agrikultura at iba pang sektor.

CALAMITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with