^

Metro

12-anyos hinalay, suspek timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
12-anyos hinalay, suspek timbog
Tagumpay na nasagip ng Pasay City Police Sub-Station 6 (Malibay), katuwang ang Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Taguig City Police Station at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang menor de edad na biktima kasabay ng pag-aresto sa 30-anyos na si alyas “Angelo,” residente ng De Guzman St., Barangay 165, Malibay St., Pasay City.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

Dinala sa hotel at bahay

MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaking tumangay sa 12-anyos na dalagitang sekswal na inabuso sa loob ng tatlong araw, sa ikinasang operasyon ng Pasay City Police, Biyernes ng gabi, sa Pasay City.

Tagumpay na nasagip ng Pasay City Police Sub-Station 6 (Malibay), katuwang ang Women and Children Protection Desk (WCPD) ng Taguig City Police Station at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang menor de edad na biktima kasabay ng pag-aresto sa 30-anyos na si alyas “Angelo,” residente ng De Guzman St., Barangay 165, Malibay St., Pasay City.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima na residente ng Taguig ay nakilala ng suspek noong Agosto 18, 2026 at nagtungo sila sa hotel sa Pasay City kung saan naganap ang panghahalay.

Nasundan pa ang pang-aabusong sekswal nang iuwi pa ng suspek sa kanyang bahay ang biktima na nanatili hanggang Agosto 21.

Pinakahuling insidente ng pang-aabuso ay naganap noong Biyernes ng umaga at ginawang kontakin nang palihim ng dalagita ang ina para humingi ng tulong.

Agad na nakipag-ugnayan ang ina ng biktima sa Taguig CPS WCPD. Sa mabilis na pagkilos, nakipag-ugnayan ang mga tauhan ng Taguig WCPD at Taguig DSWD sa Pasay CPS Sub-Station 6, na nagresulta sa pinagsanib na pagresponde na humantong sa pagsagip sa biktima at pag-aresto sa suspek sa kanyang tirahan.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings ang suspek sa paglabag sa Republic Act 11648 (An Act Promoting Stronger Protection Against Rape and Sexual Exploitation and Abuse) sa Pasay City Prosecutor’s Office.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with