^

Metro

P1.3 milyong droga nasamsam, 3 ‘tulak’ tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
P1.3 milyong droga nasamsam, 3 ‘tulak’ tiklo
Stock image of an illegal drugs.
Pixabay

MANILA, Philippines — Nasamsam ang tinatayang P1.3 milyong halaga ng shabu at kush sa tatlong lalaking tulak, sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) sa Sampaloc, Maynila, Sabado ng madaling-araw.

Ang hindi pinangalanang mga suspek ay dinakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Sampaloc Police Station dakong alas-6:00 ng umaga sa kahabaan ng Dapitan Street, Barangay 515, Zone 51.

Sa masusing paghahalughog sa lugar, narekober ang siyam na heat-sealed plastic sachet ng 182 gramo ng hinihina­lang shabu na nagkakahalaga ng P1,237,600.00, kasama ang dalawang vacuum-sealed na pakete na naglalaman ng 60 gramo ng hinihinalang Kush (hybrid marijuana) na nagkakahalaga ng P80,000.00.

Nakuha rin ng mga operatiba ang marked buy-bust money, boodle money, at iba pang drug paraphernalia.

ARRESTED

DRUGS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with