Nationwide ‘active attack’ drill sa mga iskul, iniutos ng DepEd

MANILA, Philippines — Bilang bahagi nang pinaigting na paghahanda laban sa posibleng karahasan sa mga paaralan ay inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pampubliko at pribadong elementarya at sekondaryang paaralan sa bansa na magsagawa ng active attack safety drill.
Sa ilalim ng memorandum na may petsang Agosto 12, sinabi ng DepEd na ang drill ay idaraos ganap na alas-9:00 ng umaga sa Agosto 25, Martes.
Batay sa memorandum, ang mga paaralan ay inaatasan ring gamitin ang kanilang localized contingency plans para sa active attack incidents.
Napag-alamang ang drill ay may mga designated ceremonial venues sa bawat rehiyon.
Gayunman, ang lahat ng paaralan ay mahigpit na hinihikayat na magsagawa ng kanilang sariling active attack drills sa nasabing araw o sa isang adjusted na schedule.
Ang direktiba ay kasunod ng pangamba ng publiko sa kaligtasan ng mga mag-aaral sa paaralan, kasunod ng mga insidente ng karahasan sa loob ng mga eskwelahan.
- Latest



















