Ellis nabangga ng kotse

MANILA, Philippines — Isang potensyal na gold medal ang nawala sa Pilipinas sa darating na 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Ito ay matapos maaksidente si national triathlete Kira Ellis kahapon.
Sinabi ng 20-anyos na Filipina-British triathlete na nabangga siya ng kotse habang sakay ng kanyang bisikleta sa pag-eensayo.
Ibinahagi ni Ellis ang kanyang litrato sa Facebook kung saan makikitang sakay siya ng stretcher at may semento ang kaliwang braso.
“I’ll be taking the rest of the year to reset and get myself healthy again before making my comeback next year,” sabi ni Ellis.
Sa pagsisimula ng taon ay nagkaroon siya ng knee injury kung saan halos pitong buwan siyang natengga.
Nanalo si Ellis ng gold medal sa 2025 European Triathlon Junior Cup at sa 33rd Southeast Asian Games sa Thailand.
Makakasama sana ni Ellis sa kampanya ng bansa sa Asiad sina Raven Alcoseba at Kim Mangrobang.
- Latest






















