^

Probinsiya

Mayor, mister, 5 pa ipinaaaresto sa pagpatay sa 3 poll watchers

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Mayor, mister, 5 pa ipinaaaresto sa pagpatay sa 3 poll watchers
Ang warrant of arrests laban kina Hadji Muhta­mad Mayor Arsina Kahing-Nanoh, asawang si Nadz Nanoh, at mga kamag-anak na sina Walihul Allama, Hadji Rahim Kahim, Lucman Kahing, Tudy Bayro, at Singh Hassan, ay inilabas nitong Huwebes, August 20, ng Regional Trial Court Branch 2 sa Isabela City, Basilan, na ni­lagdaan ni Judge Joseph Wee Sit.
STAR / KJ Rosales, file

COTABATO CITY , Philippines – Ipinaaaresto na ng ­korte ang babaeng alkalde ng Hadji Muhtamad sa Basilan, mister nito, at iba pang akusado kaugnay ng election-related na patayan sa kanilang bayan sa mismong araw ng halalan noong May 12, 2025.

Ang warrant of arrests laban kina Hadji Muhta­mad Mayor Arsina Kahing-Nanoh, asawang si Nadz Nanoh, at mga kamag-anak na sina Walihul Allama, Hadji Rahim Kahim, Lucman Kahing, Tudy Bayro, at Singh Hassan, ay inilabas nitong Huwebes, August 20, ng Regional Trial Court Branch 2 sa Isabela City, Basilan, na ni­lagdaan ni Judge Joseph Wee Sit.

Ang warrant of arrest mula sa RTC Branch 2 ay kaugnay ng kasong 3-counts of murder, two counts of frustrated murder, at serious physical injuries na isinampa laban kina Kahing-Nano at 6 na iba pa, batay sa resolusyon na may petsang July 2, 2026, ng Regional Prosecution Office-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Walang piyansa na ini­rekomenda ang korte para sa pansamantalang paglaya ng mga akusado.

Nakasaad sa resolusyon ang umano’y pagkakasangkot ng mga akusado sa pamamaril noong May 12, 2025 ng madaling-araw sa karagatang sakop ng Hadji Muhtamad na ikinasawi ng mga pasahero ng isang pumpboat na sina Ben Bakil, Murasidol Abdurahman, at Samir Jamiri Allil; at pagkasugat nina Habir Alih at Saldi Alih.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, ang mga biktima ay mga poll watchers at tagasuporta ng noon ay kandidato sa pagka-alkalde na si Hadji Jamar Abdullah Mansul. Sakay sa isang pumpboat patungo sa polling site sa seaside Barangay Sangbay Big madaling araw ng Mayo 12, 2025 nang sila ay pagbabarilin ng mga armadong sakay ng mga speedboat na umano’y pag-aari ni Kahing-Nanoh.

Natalo si Mansul sa halalan noon laban kay Kahing-Nanoh, na mu­ling nahalal bilang alkalde ng Hadji Muhtamad, isa sa 11 bayan ng Basilan.

ARESTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with