Triathlete nabundol ng kotse

MANILA, Philippines — Nabawasan ng isang atleta ang Pilipinas sa triathlon event ng 20th Asian Games sa Aichi-Nagoya, Japan.
Naaksidente kasi si national triathlete Kira Ellis sa kasagsagan ng kanyang training ride.
Sinabi ng 20-anyos na Filipina-British triathlete na nabangga siya ng kotse habang sakay ng kanyang bisikleta sa pag-eensayo.
“I’ll be taking the rest of the year to reset and get myself healthy again before making my comeback next year,” sabi ni Ellis sa kanyang FB post kung saan nakasemento ang kanyang kaliwang braso.
- Latest



















