^

PSN Palaro

Harden balik sa Cavaliers

Pilipino Star Ngayon
Harden balik sa Cavaliers
James Harden.
STAR/ File

CLEVELAND - Pu­ma­­yag si free agent guard James Harden sa isang ba­gong three-year, $97 million contract para bumalik sa kampo ng Ca­valiers.

Kasama sa kontrata ang isang player option pa­ra sa 2028-29 at isang trade kicker.

Dalawang player lamang sa NBA history ang nag­karoon ng $500 million mark sa career earnings.

Ito ay sina LeBron James ng Philadelphia 76ers at Kevin Durant ng Houston Rockets.

Tatanggap si Harden ng $414 milyon at makaka­sama sa exclusive club ma­tapos kumpletuhin ang kanyang kontrata sa Cleveland.

Ipagdiriwang ni Harden ang kanyang ika-37 kaara­wan sa Agosto 26.

At kapag nilagdaan na ng 11-time NBA All-Star kontrata ay siya ang magi­ging ikalawang player sa league history na pumirma sa higit sa $90 milyon sa guaranteed salary sa edad na 37-anyos o higit pa.

Si James ang una.

Muling ipaparada ng Cavaliers sa darating na NBA season sa Oktubre sina star guard Donovan Mitchell at big men Evan Mobley at Jarrett Allen.

Nakuha ng Cleveland si Harden mula sa Los An­geles Clippers kapalit ni Da­rius Garland.

Nagtala si Harden ng mga averages na 20.5 points, 7.7 assists at 4.8 re­bounds.

JAMES

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with