^

Punto Mo

Ang ‘pinakapangit na aso sa buong mundo’!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 6-anyos na aso ang itinanghal na “World’s Ugliest Dog” matapos manalo sa taunang patimpalak na ginanap sa California, United States, kamakailan.

Ang aso na pinangalanang si Jinny Lu, na pu­ma­­ngalawa sa kompetisyon noong nakaraang taon, ang nagwagi sa 2026 World’s Ugliest Dog Contest na ginanap sa Sonoma County Fairgrounds sa Santa Rosa, California.

Ipinagdiriwang ng naturang patimpalak ang ka­kaibang itsura at personalidad ng mga aso habang isinusulong din ang pag-aampon, animal rescue at pagtanggap sa mga hayop anuman ang kanilang itsura.

Mas espesyal ang kompetisyon ngayong taon dahil ipinagdiriwang nito ang ika-50 anibersaryo ng patimpalak.

Ayon kay Mandy Clendenen, CEO ng Sonoma-Marin Agricultural Association, layu­nin ng event na ipakita sa loob ng limang dekada na bawat aso ay may sariling kagandahan at karapat-dapat sa pagmamahal at pagtanggap.

May nakaaantig ding kuwento sa likod ng pagkapanalo ni Jinny Lu. Nasagip siya mula sa dog meat trade sa South Korea bago dinala sa United States ng dalawang California-based rescue organization para mabigyan ng pagkakataong maampon.

Apat na taon na ang nakalipas nang tuluyang ampunin si Jinny Lu ni Michelle Grady, isang resi­dente ng Ukiah, California.

Bilang grand winner, nakatanggap sina Jinny Lu at Grady ng tropeo at $5,000 na premyo. Bukod dito, mapapabilang din ang mukha ng aso sa limitadong edisyon ng mga lata ng Mug root beer.

Samantala, pumangalawa si Pinky, isang albino Chihuahua-Pomeranian mix, na nag-uwi ng $3,000.

Nasa ikatlong puwesto naman si Otto, isang Chi­huahua mix, na tumanggap ng $2,000 na premyo.

Sa kabila ng titulo nitong “pinakapangit,” ipina­kita ng kuwento ni Jinny Lu na higit pa sa itsura ang tunay na halaga ng isang aso, lalo na para sa mga hayop na nabigyan ng panibagong pagkakataon sa pamamagitan ng rescue at adoption.

 

DOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with