Quezon City Helpline 122, bukas 24 oras
MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Quezon City government ang publiko na tumawag lamang sa QC Helpline 122 na bukas 24 oras para tumugon sa anumang emergency katulad ng walang humpay na pag ulan sanhi ng epekto ng Habagat.
Ayon sa QCLGU, may naitalagang mga evacuation sites ang lokal na pamahalaan para sa ligtas na mabilis na paglikas ng mga biktima ng pagbaha o may banta ng landslide.
Kahapon, alas-11 ng umaga, nailikas at kinakanlong na ng QC LGU ang nasa 1,832 pamilya o 5,804 indibidwal mula sa anim na distrito ng Lungsod sa iba’t ibang mga evacuation sites ng lokal na pamahalaan.
Pinaalalahanan ng LGU ang QCitizens na patuloy na mag-ingat at mapagmasid sa paligid upang makaiwas sa epekto ng kalamidad at agad lumikas sa mga evacuation centers kung kinakailangan sa panahon ng emergency.
- Latest























