Gilas Boys, Syria agawan sa quarterfinals spot
MANILA, Philippines — Pupuntiryahin ng Gilas Pilipinas Boys ang tiket sa quarterfinal round ng 2026 FIBA U18 Asian Championships sa pagsagupa sa Syria sa Veer Savarkar Indoor Stadium sa Ahmedabad. India.
Lalabanan ng mga Pinoy dribblers ang mga Syrians ngayong alas-10:30 ng umaga.
Sa iba pang qualification matches, haharapin ng Japan ang Qatar, sasagupain ng Bahrain ang Chinese Taipei at magtutuos ang Iran at India.
Swak na sa quarterfinals ang nagdedepensang Australia, New Zealand, Korea at China.
Nagtala ang Gilas Boys ng 2-1 baraha sa Group A, habang may 1-2 marka ang Syria sa Group B sa preliminary stage.
Paglalabanan sa torneo ang isa sa apat na tiket para sa 2027 FIBA U19 World Cup na idaraos sa Pardubice, Czech Republic sa Hunyo 26 hanggang Hulyo 4.
- Latest






















