^

Metro

Manhunt sa pulis na nambugbog ng 3 binatilyo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ngayon ng manhunt operation ang mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) laban sa isang pulis na inireklamo sa pambubugbog ng tatlong binatilyo sa Quezon City. Kinilala ang mga biktima na sina alyas “MLF”, 16, residente ng Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik, Quezon City; “CBR”, 17, at “CNR”, 16, kapwa nakatira sa Brgy. 177, Caloocan City habang alyas “Corporal Peralta”, 40, ang  suspek na nakatalaga sa Caloocan City Police Station at residente ng Brgy. Pasong Putik, Quezon City.

Sa ulat ng Pasong Putik Proper Police Station (PS-16) ng QCPD, ala-1:50 ng madaling araw noong August 16 nang maganap ang insidente sa kanto ng Champaca at Santan Sts., sa Maligaya Park, Brgy. Pasong Putik, sa lungsod.

Batay sa imbestigasyon ni Pat Chrisanto Geroza, nag-iinuman umano ang mga biktimang menor-de-edad kasama ang ilang mga kaibigan nang dumating ang nasabing pulis na tila nasa impluwensya umano ng alak, tinakot at hinamon ang mga biktima. Hindi pa man nakasasagot ang mga biktima ay agad na umano silang sabay-sabay na pinagsusuntok ng pulis.

Iniulat ang insidente sa PS-16 na agad nag­responde, kasama ang mga Barangay Public Safety Officer (BPSO) ng Barangay Pasong Putik, gayunpaman, hindi na nila natunton ang kinaroroonan ng suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente habang tinutugis pa ang nakatakas na pulis.

CRIME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with