Pinay DH, pinaghimalaan
UMIYAK ako nang umiyak sa natanggap na balita na malubha ang kalagayan ng aking ina sa Pilipinas. Kung maaari raw ay umuwi ako. Baka hindi ko na raw ito makitang buhay.
Ang malaking prolema ay kapipirma ko lamang ng panibagong kontrata sa akig mga amo at nakakuha na ako ng advance na suweldo at pinadala sa aking pamilya, ilang buwan lang ang nakararaan. Hindi na ako maaaring maka-advance pa at isa pa nakakahiya na sa aking mga amo.
Ganunman, sinabi ko pa rin ang problema sa aking mga amo. Sabi ng aking among lalaki, naubos na rin ang kanilang pera dahil sa malaking pinagkagastusan kaya gusto man nilang tulungan ako, wala silang magawa.
Nauna-waan ko naman ang aking among lalaki. Isa pa’y alam kong may pinagkagastusan din sila nang maospital ang isang anak.
Hanggang may binigay na suhestiyon ang amo kong babae.
“Bakit hindi ka manalangin at humingi ng tulong kay St. Charbel. Sasamahan ka namin sa libingan ni St. Charbel. Mapaghimala si St. Charbel,” sabi ng amo kong babae.
Sumang-ayon ang amo kong lalaki.
KINABUKASAN, nagtungo kami sa chapel na kinalilibingan ni St. Charbel.
Namalagi kami roon ng dalawa at kalahating oras. Nakaluhod kaming nanalangin at humingi ng awa sa santo. (Itutuloy)
- Latest



















