Fire volunteer inapula sunog sa sariling bahay

MANILA, Philippines — Hindi inakala ng isang fire volunteer na rerespondehan niya ang kanyang mismong bahay na nasusunog kahapon ng madaling araw sa Valenzuela City.
Naging emosyonal si Fire Volunteer Jeckster Quiamco nang makitang isa ang kanyang bahay sa tinutupok ng apoy sa Sitio Kabatuhan, Bgy. Gen. T. de Leon, ng nabanggit na lungsod.
Nakaligtas ang kaniyang mga kaanak, ngunit tuluyang naabo ang lahat ng kanilang ari-arian.
“Wala na po. Ubos na po ‘yung bahay namin,” ani Quiamco.
Tiniyak ni Quiamco na hindi magiging hadlang ang insidente upang tuparin ang kanyang serbisyo sa komunidad.
- Latest























