^

PSN Palaro

Anisimova isusunod ni Eala!

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Anisimova isusunod ni Eala!
Amanda Anisi­mova at Pinay ace Alex Eala.

MANILA, Philippines — Puntirya ni Alex Eala na maipagpatuloy ang magandang ratsada nito kontra kay world No. 10 Amanda Anisimova ng Amerika sa kanilang pagtutuos ngayong umaga sa Cincinnati Open sa Lindner Family Tennis Center sa Mason, Ohio.

Lalarga ang engkuwentro nina Eala at Anisimova sa alas-8:30 ng umaga (oras sa Maynila).

Hangad ni Eala na masusundan ang kanyang matikas na ipinamalas sa second round kung saan inilampaso nito si world No. 77 Elena-Gabriela Ruse ng Romania hawak ang 6-1, 3-0 bentahe bago magretiro ang kanyang kalaban.

Sa kabilang banda, pasok naman sa third round si Anisimova matapos payukuin si Zeynep Sonmez ng Turkey sa iskor na 6-2, 6-3.

Aminado si Anisimova na maganda ang inilalaro ni Eala na galing sa matikas na kampanya sa dalawang torneong nilahukan nito.

Matatandaang nagkampeon si Eala sa Mubadala DC Open sa Washington DC habang nakaabot ito sa fourth round ng National Bank Open sa Toronto, Canada.

“She’s been having such an incredible season, incredible year, and a very great player with a lot of fans, so I’m really looking forward to that,” ani Anisimova.

Naghahanda rin si Anisimova sa malakas na hiyawan ng mga fans na inaasahang daragsa sa venue.

“I know that it’s pro­bably going to be a very packed stadium, so yeah, I’m sure it’ll be really fun,” ani Anisimova.

Ito ang unang paghaharap nina Eala at Anisimova.

Pakay ni Eala na makuha ang kanyang ika-10 panalo laban sa Top 10 players sa WTA.

Ngunit handa rin si Anisimova na makipagbakbakan kay Eala sa harap ng mga Pinoy fans.

“She has a great fan base and it looks like an incredible atmosphere every time she steps out to play a match. I’m really, really looking forward to it,” ani Anisimova.

Sa pagpasok sa third round, nakasisiguro na si Eala ng tumataginting na $47,375 o mahigit P2.8 milyon.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with