^

PSN Opinyon

Madugong birthday party sa Maragondon, Cavite!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

PANANDALIANG kasayahan lang ang idinulot kay Maj. Ian Loyola, ang hepe ng Maragondon, Cavite sa kanyang birthday celebration sa isang resort dahil napalitan ito ng kalungkutan. Bakit? Nagkaroon kasi ng barilan sa mga lasing na pulis sa labas ng resort na ikinamatay ng isang pulis, at isang sibilyan at ikinasugat ng isa pang pulis. Ang resulta? Hindi nag-atubili si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. sa pag-relieve kay Loyola, sabay utos ng imbestigasyon para arukin ang lalim ng insidente. May mga report kasi na may mga pulitiko at matataas na opisyales ng PNP provincial office na nasa selebrasyon at aalamin kung ano ang naging papel nila sa insidente. Kaya hindi dapat si Cavite provincial director Col. Ariel Red ang mag-imbestiga sa barilan sa pangambang ­maliligwak lang ito. Puwede na siguro si PRO4-A director Brig. Gen. Dominic Baccay. Ano sa tingin mo Gen. Nartatez Sir? Mismooooo!

 Noong Agosto 13, na-inquest na si Cpl. Periodoco sa kasong murder kina SSgt. Sisante at Arjay Mojca, at sa pagkasugat kay Cpl. Climacosa. Nalungkot si Nartatez sa insidente, kaya iniutos n’yang i-preserve ang lahat ng ebidensiya para swak sa banga ang suspect, sa kasong kriminal at administratibo, na ikakasa laban sa kanya. “Law enforcers carry the heavy burden of public trust, and throwing caution to the wind through reckless behavior and alcohol abuse is completely unacceptable,” ani Nartatez.

“Those sworn to protect lives chose instead to endanger them in a senseless, drunken altercation,” ang sabi pa ni Nartatez. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

 Sa isang press briefing, sinabi ni PNP spokesman Col. Allen Rae Co na ikakasa na ang summary dismissal proceedings laban kay Periodoco. Ayon kay Co, iniutos na ang malalimang imbestigasyon sa kaso at ang suspect ay bibigyan ng due process. Sinabi pa ni Co na ang lahat ng umattend ng birthday celebration ni Loyola ay kukunan ng statements, kabilang na ang lahat ng police personnel ng Cavite PNP, para maliwanagan ang ugat ng barilan. Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

 Inamin ni Nartatez na ang insidente ay isang malalang paglabag ng disiplina ng PNP personnel, kung nasa active duty man sila o off duty na. “I remind all our personnel to exercise discipline, responsibility, and restraint at all times. We will not tolerate misconduct, regardless of rank or status. Being off duty does not exempt any police officer from following the law and PNP rules,” ang pahayag ni Nartatez. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang talaga!

Makakabawi pa kaya si Loyola? Sa ngayon kasi, pakuya-kuyakoy muna s’ya sa Cavite police Holding and Administrative Support. Kakonsiyensiya! Abangan!

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with