^

Police Metro

50 lugar isinailalim sa state of calamity – OCD

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Iniulat ng Office of Civil Defense (OCD), umabot na sa 50 na lungsod at munisipalidad ang isinailalim sa state of calamity dahil sa pinsalang dulot ng sabay-sabay na pananalasa ng habagat at mga bagyong Luis at Maymay.

Nasa 24 lugar sa Central Luzon; 24 na lugar sa Calabarzon at 2 sa Ilocos Region ang apektado.

Sa Central Luzon o Region 3 kabilang sa mga nagdeklara ng state of calamiy ay ang lalawigan ng Pampanga na nasa 21 siyudad at munisipalidad bunga ng matinding pagbaha.

Sa lalawigan ng Bulacan ay ang mga bayan ng Calumpit, Hagonoy at Bulakan sanhi ng matitinding pagbaha.

Sa Calabarzon ay ang buong lalawigan ng Cavite na sumasaklaw sa 23 mga munisipalidad at mga lungsod habang sa lalawigan ng Rizal ay ang bayan ng Montalban. Habang sa Ilocos Region ay ang Dagupan City at ang bayan ng Sta Barbara.

Iniulat din ng OCD na nasa 23 na ang naitalang death toll kung saan ang Benguet ang pinakamarami na nasa 15 katao, tatlo sa Batangas, isa sa Rizal at tig-isa naman sa La Union at Quezon.

Gayunman sa tala ng Philippine National Police (PNP) ay 25 katao ang nasawi.

STATE OF CALAMITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with