^

Police Metro

Senado, isusulong 20% student discount sa load at internet

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isusulong ni Senador Erwin Tulfo ang 20% discount sa mobile prepaid load, mobile postpaid plans, at mobile internet packages para sa lahat ng mga Pilipinong mag-aaral.

Ito ay sa gitna nang sunud-sunod na paglipat sa online classes dulot ng masamang panahon.

Sa inihain niyang ­Senate Bill No. 2275, o ang “Student Load ­Discount Act,” babawasan ang pasa­ning ­pinansyal ng mga ­pamilyang ­nahihirapang makasabay sa panga­ngailangan sa data sa makabagong edukasyon.

“Dagdag-gastusin ito sa mga estudyante at magulang nila na kadalasan ay hadlang pa para makasabay sa online classes. Tulungan naman natin sila sa simpleng bagay na ito,” pahayag ni Tulfo.

Ayon pa kay Tulfo ,hindi maaasahan ang mga estudyante, lalo na ang mga galing sa mahihirap na pamilya na mabilis na makapag-adjust sa digital learning nang walang inilalaang tulong ang pamahalaan.

Sa ilalim ng panukalang batas, sakop ng discount ang lahat ng mamamayang Pilipino na kasalukuyang ­nakatala sa mga awtorisadong pampubliko at pampribadong paaralan sa elementarya, sekondarya, technical-vocational, higher education, maliban sa post-graduate studies.

Ang obligadong 20% discount ay magagamit buong taon, kabilang ang mga weekends at holidays, upang matiyak ang tuluy-tuloy na pag-aaral.

Para makuha ang discount, kailangan lamang magpakita ng mga estudyante ng ID sa paaralan o katibayan ng enrollment, kasama na rin ang birth certificate para patunayan ang pagiging Fiilipino Citizen.

Obligado rin sa ilalim ng batas ang mga kumpanya ng telekomunikasyon na ipatupad ang discount sa lahat ng sakop na serbisyo, at papatawan ng mabigat na parusa ang mga lalabag dito.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with