^

Probinsiya

Disqualification vs Dasma mayor inihain sa Comelec

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Disqualification vs Dasma mayor inihain sa Comelec
Ang petition for disqualification (DQ) ay isinampa nitong Agosto 13, 2026 ni Atty. Marian Dupal-Ag Wooldridge, isang rehistradong botante ng Dasmariñas City, na nakabatay sa Section 68 ng Omnibus Election Code, kaugnay ng mga election offense at iba pang umiiral na batas at regulasyon sa halalan.
STAR/File

DASMARIÑAS CITY, Cavite, Philippines — Pinadidiskuwalipika sa Commission on Elections (COMELEC) si Dasmariñas City Mayor Jennifer Austria-Barzaga na kandidato sa pagkakinatawan ng ikaapat na distrito ng Cavite sa gaganaping special election sa ­Agosto 29, 2026.

Ang petition for disqualification (DQ) ay isinampa nitong Agosto 13, 2026 ni Atty. Marian Dupal-Ag Wooldridge, isang rehistradong botante ng Dasmariñas City, na nakabatay sa Section 68 ng Omnibus Election Code, kaugnay ng mga election offense at iba pang umiiral na batas at regulasyon sa halalan.

Ayon kay Dupal-Ag Wooldridge, layunin ng kanyang petisyon na mapangalagaan ang integridad, pagiging patas at pagiging walang kinikilingan sa nalalapit na special election.

Tatlong pangunahing usapin ang ipinasisiyasat ng petitioner. Una, ang sinasabing conflict of interest kaugnay ng P50-milyong financial assistance o donasyon ng Dasmariñas City government sa COMELEC. Si Mayor Barzaga umano ang nag-instruct sa Sangguniang Panlungsod na gumawa ng resolusyon para sa naturang P50-milyong pondo, bago siya naging kandidato sa halalang pinangangasiwaan mismo ng COMELEC.

Ikalawa, ang pama­mahagi umano ng relief goods at iba pang ayuda habang umiiral ang election period na mahigpit na ipinagbabawal at ikatlo ay paggamit ng government resources para sa political activities.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with