^

Punto Mo

Paano kapag wala nang Facebook?

PANDAYAN - Ramon M. Bernardo - Pang-masa

Paano nga kung isang araw ay ganap na mawala o isara ang Facebook? May magagawa ba ang bilyun-bilyong taong gumagamit nito?

Para sa marami, ang Facebook ay hindi na lamang lugar ng kuwentuhan o pampalipas ng oras. Dito nakikipag-ugnayan sa pamilya at mga kaibigan, nagnenegosyo, bumibili at nagbebenta ng mga produkto, gumagawa ng mga bagay na may kaugnayan sa trabaho, nag-aanunsiyo, kumakalap ng impormasyon, nagbabahagi ng balita, naghahanap ng mga serbisyo at nakikipag-ugnayan sa mga komunidad. Mahalaga rin ang Messenger bilang paraan ng mabilis na komunikasyon.

Dito sa Pilipinas, napakalaki ng lawak ng paggamit ng Facebook. Ayon sa isang survey ng Pulse Asia, 99 porsiyento ng mga Filipino internet users ang may Facebook account.

Kaya hindi nakapagtataka kung bakit nagiging malaking usapin kapag hindi mabuksan ang Facebook. Ang pagkawala nito kahit ilang oras ay maaaring makalikha ng abala at pangamba.

Ngunit paano kung tuluyan nang maglaho ang Facebook?

Maraming tao ang naglalagay dito ng mga litrato, video, mahahalagang alaala, dokumento, contact at iba pang impormasyon. Pero ang Facebook ay hindi isang permanenteng imbakan ng mga bagay na ipinoposte natin. Kaya makabubuting magkaroon ng sariling kopya ng mahahalagang litrato, video at dokumento sa computer, external drive o ibang mapagkakatiwalaang storage. Huwag umasa na dahil sampu o dalawampung taon nang nasa Facebook ang isang litrato ay siguradong naroon iyon magpakailanman.

Mayroon namang ibang social media platform na maaaring paglipatan kung sakaling humina o tuluyang mawala ang Facebook. Nariyan ang X, Instagram, YouTube, Reddit, Tumblr, Bluesky at Threads. Mayroon ding Mastodon at iba pang decentralized social networks. Ngunit hanggang ngayon, wala pa ring isang platform na tunay na nakapapantay sa buong lawak ng Facebook.

Ngunit hindi ibig sabihin nito na habambuhay nang mananatili ang Facebook na meron nang 22 taong gulang. Marami nang teknolohiya at internet services ang sumisikat at naglalaho kinalaunan.

Bago dumating ang Facebook noong 2004, nabubuhay naman nang normal ang mga tao. Sa katunayan, may mga taong tumigil na sa pagbukas ng Facebook, nagde-deactivate ng kanilang account o lumilipat sa ibang social media platform, ngunit nagpapatuloy naman ang kanilang araw-araw na pamumuhay.

Kung sakaling dumating ang araw na tuluyan nang mawala ang Facebook, hindi naman titigil ang mundo. Makakahanap ang mga tao ng ibang paraan upang makipag-usap, magnegosyo, makibalita at makipagkaibigan.

At dahil wala namang permanenteng bagay sa mundo, hindi imposibleng may lumitaw na social media na mas makahihigit pa sa Facebook.

••••

Email- [email protected]

FACEBOOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with