UST, Beda at JRU umiskor sa NSAC World Invitational
MANILA, Philippines — Umiskor ng panalo ang mga Philippine collegiate teams sa pagdribol ng inaugural NSAC World Invitational na inihahandog ng Philippine Sports Commission sa PhilSports Arena sa Pasig City.
Pinadapa ng University of Santo Tomas ang Tenri University ng Japan, 88-65, tampok ang tig-17 points nina Collins Akowe at Amiel Acido, habang may 11 markers si Koji Buenaflor.
Ipinagpatuloy ng Growling Tigers ang kanilang arangkada matapos pagharian ang nakaraang NSAC championship noong Hunyo.
Binanderahan ni Jerry Williams ang Tenri sa kanyang game-high 23 points kasunod ang 17 markers ni Hayato Yanagisawa.
Kinaldalg naman ng San Beda University ang National Formosa ng Taiwan, 78-65, sa likod ng 16 points ni RC Calimag.
Nagdagdag si Aldous Torculas ng 15 markers para sa Red Lions at may 11 points si Jomel Puno.
May 16 points din si Justin Hawkins sa panig ng National Formosa na nakahugot ng 14 at 12 markers kina Chengen Yang at Jayden Jones, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, tinalo ng Jose Rizal University ang Elite Stacks ng Australia, 71-66, mula sa 22 points ni Lawrence Mangubat.
Nag-ambag si Sean Salvador ng 14 points para sa Heavy Bombers kasunod ang tig-13 markers nina Chris Hubilla at Allan Laurenaria.
Tanging ang Fighting Eagles Nagoya ng Japan ang foreign team na nagtala ng panalo sa eight-team field matapos ang 97-87 pagdaig sa Far Eastern University.
- Latest























