^

PSN Opinyon

Ma-extend kaya si NCRPO Chief Aberin?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

HABANG papalapit ng papalapit ang August 23 aba’y, ma­ra­ming haka-haka ang nakakatulig na pakinggan ngayon sa hanay ng mga retarded este retired policemen. Kasi nga ayon sa kanila, magaling na lider itong si Philippine National Police-National Capital Region Police Office chief P/MGen. Anthony Aberin sa hanay ng mga kapulisan sa Metro Manila, nasubukan ito nitong magkaroon nang kaguluhan sa Senado matapos na magkandarapang pumasok si dating PNP chief at ngayon tago nang tagong Senador na si Ronald “Bato” dela Rosa na naging daan para magsagawa ng rally ang Iglesia ni Cristo sa  Edsa People Power Park, Quezon City at syempre nitong State of the Nation ni President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa House of the Representatives dahil naging mapayapa at walang gaanong karahasan. Kung sabagay hindi naman­ ipinagkaila ni Aberin na miyembro rin siya ng INC kung  kaya’t napakiusapan niyang mga raliyista sa EDSA na alisin ang mga iniharang nitong mga sasakyan upang bigyang daan ang mga nayayamot ng mga motorista. Hehehe! Tinupad lamang ni Aberin ang kanyang sinumpaang tungkulin sa madlang pipol. Get n’yo mga suki? Kaya’t kumakalat ngayon ang bali-balitang mai-extend ito sa kanyang puwesto sa kabila ng mga nag-aagawang heneral na hahalili sa kanyang babakantehing puwesto.

Ang tanong tuloy nitong aking mga nakausap na mga retarded este retired policemen, may “wright connect” kaya itong si Aberin katulad ni retired CALABARZON chief P/BGen. Hansel Marantan? Kasi nga ayon sa aking mga na­­ka­usap, mismong si Department of Interrior and Local Govern­ment (DILG) Secretary Jonvic Remulla pa mismo ang nag­pahayag na i-extend nga itong si Marantan sa puwesto nang isang taon. Subalit bigo nga itong si Remulla dahil hindi kinagat ng Malacañang ang pag-indorso ke Marantan na manatili ng isang taon sa puwesto. Hehehe! Subalit hindi naman naging bigo itong si Marantan na makapagserbisyo sa sambayanan dahil nitong nakalipas lamang na araw ay nanumpa na ito bilang Executive Director of the Anti-Terrorism Council-Program Management Center, with the rank of Undersecretary na mismong si PBBM ang nag-appoint. Hehehe! Kung sabagay hindi naman matatawaran ang katapangan at katapatan sa serbisyo itong si P/BGen. Hansel Maranta mga suki, kasi nga, He serves with the Criminal Investigation and Detection Group, Area Police Command-Southern Luzon, Davao City Police Office, Highway Patrol Group, NCRPO at ang pinakahuli ay itong pamunuan ang Police Regional Police Office 4-A.

Kaya naman hindi na halos mabilang ang mga accomplishment nito kung kaya’t nabibiyayaan din ang kanyang paghihirap at syempre naka-wight connect siya ke Remulla. Hehehe! Congrats Sir Marantan!

Subalit dito naman sa isyu hinggil kay NCRPO chief P/MGen. Aberin abay, iba’t ibang kuro-kuro pa ang nabubuo kung lilisanin nga ba nito ang puwesto o mapapanatili? Iyan ang ating pagkaaabangan mga suki? Dahil alam naman natin na kung may “wright connect” ka sa mga matataas na opisyales ni PBBM abay, siguradong juicy posisyon ka. Abangan!

POLICEMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with