^

Punto Mo

Retirement ni Gen. Aberin, puno ng drama!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

PUNO ng drama itong nalalapit na retirement ni NCRPO chief Maj. Gen. Anthony Aberin. Ilang tulog na lang ang Agosto 23, subalit maraming Marites ang kumakalat sa mga police headquarters sa Metro Manila. Ma-extend kaya si Aberin o tuloy ang retirement n’ya? ‘Yan po ang kalimitang tanong. Kung sabagay, mismong si Aberin ang gumagatong sa naturang drama, ayon sa mga kosa ko. Halimbawa, panay labas sa bibig ni Aberin ang salitang extension. Puede naman, di ba mga kosa?

Kaya lang, kung si ex-PRO4-A director Brig. Gen. Hansel Marantan ay hindi nakakuha ng extension kahit may resolution na inilabas si Interior Sec. Jonvic Remulla, si Aberin pa kaya? Sinabi pa ng kosa ko na may insidente pa na nasa kainitan ng meeting ang Chief Regional Staff ng NCRPO bilang preparation sa retirement day, ng biglang pumasok si Aberin sabay sabing “ako ang incoming.” Purbidang yawaahhhhh! Hayun lumipat na lang ng kuwarto ang taga-CRS. Dipugaaaaa! Ganun na nga! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Habang itong drama ni Aberin ang naging paksa ng usap-usapan sa mga police HQ, may pangalan namang “pumuputok” kung sino ang papalit sa kanya. Sila ay sina Maj. Gen. Pojie Peñones, ng PNP Directorate for Operations; SAF commander Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, at PRO1 director Brig. Gen. Jovencio Badua. Lahat naman ay kuwalipikado, at kung sino ang mapili sa kanila ng Palasyo, abayyyyy siguradong t’yak malalagpasan nila ang performance ni Aberin, na mahigit isang taon sa NCRPO. Purbidang yawaahhhhh! Kaya lang, sino kaya sa kanila ang iendorso ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr.? Kasi nga mga kosa, itong NCRPO at CIDG ay ang Palasyo ang may “final” say dyan, kaya lang may ­puwersa rin ang endorso ng PNP chief, at si Nartatez nga ‘yun. Sal-it! Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Iginigiit ng mga kosa ko na hindi lang naman naka-sentro lang sa tatlong opisyal ang pipilian sa pagka-NCRPO chief dahil kahit sinong opisyal ay maaring mag-apply sa position. Tumpak! T’yak may mga tinatawag na “darkhorse” na kandidato. May ‘manok’ ba kayo mga kosa? Maliban kay Aberin, magreretiro rin si PRO5 director Brig. Gen. Erosito Miranda sa Agosto 27, DICTM director Brig. Gen. Milo Pagtalunan sa Agosto 30, at si DPCR director Maj. Gen. Roderick Augustos Alba sa Agosto 31. Sal-it!

Sino kaya ang manok ni Nartatez sa NCRPO?  Hehehe! Kamuntik na! Abangan

ANTHONY ABERIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with