^

Probinsiya

Obrero sinaksak ni bayaw

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay matapos pagsasaksin ng bayaw nito ang isang Construction worker sa harap ng kinakasama nito na kapatid ng suspek, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Molino 2 Bacoor City.

Base sa ulat, alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente, magkasamang umuwi ang biktima at kinakasama nito sa kanilang bahay.

Nadatnan ng mga ito ang suspek (kapatid ng kinakasama ng biktima) at nagkaroon nang mainitang pagtatalo na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

Patay ang biktima sa rami ng tinamong saksak na kinilala sa alyas “Ernesto,” 30-anyos, construction worker habang agad ding naaresto ang suspek sa follow-up ng pulisya na kinilalang si alyas “Alexander,” 46-anyos, ang kapatid ng kinakasama ng biktima. Kasalukuyan ng nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong Homicide.

CONSTRUCTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with