^

Metro

Kusinero at obrero, timbog sa ilegal na baril

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Arestado ang isang cook at isang construction worker na kapwa naghasik ng tensyon sa magkahiwalay na insidente ng pagpapaputok ng baril at kaguluhan, sa Taguig City at Las Piñas City, noong Lunes at Martes.

Ang suspek na si alyas “Estelito,” 44, residente ng Barangay Western Bicutan, Taguig City, na nahaharap sa reklamong indiscriminate firing at illegal possession of firearm.

Alas-6:40 ng gabi ng Agosto 10, 2026 noong Lunes ng gabi nang ares­tuhin ang suspek sa Champaca Street, Sitio Niño, Barangay Western Bicutan, na naaktuhan ng nagpapatrulyang mga tauhan ng Taguig City Police Station na nagpapaputok kaya kinumpiska ang walang serial number na kalibre .38.

Nitong Agosto 11, alas-5:00 nang magulantang naman ang mga residente ng Barangay Pulang Lupa Uno, Las Piñas City dahil sa pagwawala ng isang alyas “Ace,” 29-anyos, cons­truction worker, na residente ng Bacoor, Cavite.

Nagpapatrulya rin ang mga mga tauhan ng Daniel Fajardo Substation ng Las Piñas Police Station kaya napahupa naman ang pagwawala ng suspek at kinum­piska sa kanya ang isang “zip gun” o improvised firearm.

Nahaharap siya sa reklamong Alarms and Scandals at paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with