Caretaker ng rubber plantation kinatay, isinako

MANILA, Philippines — Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 20-anyos na rubber plantation caretaker matapos ay isilid pa sa sako ang bangkay saka itinapon sa tabi ng kalsada sa Brgy. Masao, Tungawan, Zamboanga Sibugay.
Ang biktima ay tinukoy sa pangalang Eduardo Ramos residente ng Brgy. San Jose, R.T. Lim ng lalawigang ito.
Sa ulat ng Zamboanga Sibugay Police, alas-4 ng hapon nang madiskubre ang nagsisimula nang maagnas na bangkay ng biktima sa tabing kalsada ng Brgy. Langon bandang alas-4 ng hapon nitong Agosto 9. Ang biktima ay nakagapos ang mga kamay habang tadtad ng taga ang buong katawan nito.
Patuloy namang sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng biktima sa sinapit ng nasabing caretaker. Pinaniniwalaag personal na galit ang motibo sa krimen.
- Latest
















