Celis, Alas Girls papalo sa Round of 16

MANILA, Philippines — Malaking tagumpay na para sa Alas Pilipinas Girls ang pagkakapasok nila sa Round of 16 ng FIVB Volleyball Girls U17 World Championship.
Ito na ang pinakamataas na naabot ng Philippine volleyball team sa world championship.
Natalo ang batang Nationals sa huli nilang laban sa preliminary round kontra No. 12 Venezuela, 19-25, 16-25, 25-22, 25-19, 11-15 kahapon na ginanap sa Liceo Mixto San Felipe, Chile at dahil inabot ng limang set ang labanan ay nakakuha sila ng mataas na tie break para upuan nila ang No. 4 spot sa Pool B tangan ang 2-3 karta.
Winalis ng defending champion China ang lahat ng nakatunggali kasama ang Alas Girls, kaya solo ito sa tuktok na tangan ang 5-0 baraha, pangalawa ang Venezuela (3-2) at pangatlo ang Peru (3-2).
Pareho ang record ng Alas Pilipinas Girls at Mexico pero nakalikom ang Pinay netters ng seven points dahil sa five-set game nila sa Venezuela sapat para makakuha ng tiket sa susunod na phase.
Nasisiyahan si team manager at assistant coach Karl Chan sa nakikita niya kina Megan Hernandez, Princess Manzano, Irish Mahinay, Taj Teves, Nadeth Herbon, at 14-anyos na si Sharina Lleses at Jello Mauricio dahil naipapakita nila ang kanilang talento.
“It’s fulfilling to see these kids succeed and achieve more, because it’s the start of their journey in international volleyball. We’re looking forward to seeing these 14 players be future national team players in the senior level,” ani Chan.
Samantala, sisikapin ng Alas Girls na makapasok sa last eight pero bago mangyari yun ay kailangan muna nilang talunin ang AVC champion South Korea ngayon.
- Latest




















