^

Metro

Bomb threat sa isang gusali sa Ayala Alabang ‘hoax’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Bomb threat sa isang gusali sa Ayala Alabang ‘hoax’
Isinagawa ng mga tauhan ng Station Explosive Ordnance Division and Canine Unit ng Muntinlupa City Police Station, ang pagsusuri sa Park Trade Center sa Investment Drive, Barangay Ayala-Alabang dakong alas-3:35 ng hapon at alas-4:10 nang ideklarang ligtas ang kabuuan ng gusali.
STAR/File

MANILA, Philippines — Negatibo sa anumang uri ng pampasabog ang isang gusali sa Ayala Alabang na nakatanggap ng bomb threat mula sa email noong Lunes ng hapon.

Isinagawa ng mga tauhan ng Station Explosive Ordnance Division and Canine Unit ng Muntinlupa City Police Station, ang pagsusuri sa Park Trade Center sa Investment Drive, Barangay Ayala-Alabang dakong alas-3:35 ng hapon at alas-4:10 nang ideklarang ligtas ang kabuuan ng gusali.

Sa ulat, dakong alas-2:29 ng hapon ng ­Agosto 10, 2026, nang makatanggap ang administrator na email hinggil sa itinanim umanong bomba sa ika-apat na palapag.

Pinuri naman ni Southern Police District (SPD) Director PBGen. Glen Oliver Cinco ang mabilis na kilos ng Muntinlupa police kasabay nang mahigpit na babala sa mga nagpapakalat ng pananakot na hindi titigil ang kapulisan sa pagtugis sa kanila.

THREAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with