P4/L rollback sa gasolina, diesel at kerosene

MANILA, Philippines — Makakaramdam muli ng ginhawa ang mga motorista matapos ianunsyo ng Department of Energy (DOE) ang malaking bawas-presyo sa mga produktong petrolyo simula Martes, Agosto 11.
Ayon sa DOE, bababa ng P4.70 kada litro ang presyo ng lahat ng uri ng gasolina, kabilang ang RON 91, RON 95, at RON 97.
Samantala, mababawasan naman ng P4.30 kada litro ang presyo ng diesel, kabilang ang Diesel Plus, habang P4.88 kada litro naman ang ibababa sa presyo ng kerosene. Epektibo ang bagong presyo mula Agosto 11 hanggang 17.
Ipinaliwanag ng DOE na ang pagbaba ng presyo ay bunsod ng paggalaw ng pandaigdigang merkado ng langis, kabilang ang epekto ng mga kaganapan sa Middle East na may kaugnayan sa suplay at presyo ng langis.
Tiniyak ng ahensiya na patuloy itong gumagawa ng mga hakbang upang mapalakas ang suplay ng langis sa bansa at maprotektahan ang kapakanan ng publiko.
- Latest


















