Alas Girls lumapit sa Last 16 sa U17

MANILA, Philippines — Pinalo ng Alas Pilipinas Girls ang pangalawang sunod na historic wins sa 2026 FIVB Volleyball Girls U17 World Championship matapos nilang walisin ang Tunisia, 27-25, 25-19, 25-16 kahapon na nilaro sa Liceo Particular Mixto, San Felipe, Chile.
Naging instrumento sa opensa sina Caera Celis at Xyz Rayco para ikahon ang panalo at lumapit ang mga batang Nationals na pumalo ng bola sa Round of 16 matapos irehistro ang 2-1 record sa Pool B.
Solo sa tuktok ng Pool B ang powerhouse at defending champion China, nasa pangalawa ang Alas Pilipinas Girls.
Dalawang set-point disadvantages ang nalusutan ng Alas Pilipinas Girls sa opening frame, kung saan ay tumikada ng panablang puntos sina Celis at Rayco para sa 25-all.
Umiskor naman si Sharina Lleses at Rayco para makuha ng Alas Girls ang unang panalo sa set 1.
Dinomina ng Alas Pilipinas Girls ang huling dalawang frames para tapusin ang laban at ipalasap sa Tunisia ang pangatlong sunod na kabiguan.
Pinamunuan ni Celis ang puntusan para sa Alas Girls sa nilistang 15 points mula sa 13 kills at dalawang blocks, bumakas si Rayco ng 13 points kasama ang 12 attacks at isang block
Kumana rin si Sharina Rhyza Lleses ng 10 attack points para sa Alas Girls na ang kampanya ay suportado ng Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission at Asics.
“I’m happy because everyone contributed. I’m also happy with my game because I was able to show how I really play. I’m satisfied even though I made mistakes because I was able to bounce back and show who I am as a player,” ani Rayco.
Magkakaroon ng isang araw na break bago bumalik sa aksyon ang Pinay netters kontra world No. 6 Peru.
- Latest






















