^

Metro

Pag-apaw ng La Mesa Dam asahan – PAGASA

Doris Franche-Borja, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Pag-apaw ng La Mesa Dam asahan – PAGASA
A photo showing the La Mesa Dam in Quezon City.
The STAR / Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Bunsod ng walang tigil na mga pag-ulan, inihayag ng Philippine  Atmospheric Geophysical Astronomical (PAGASA) na asahan ang posibleng pag-apaw ng La Mesa Dam dala ng Habagat sa malaking bahagi ng Luzon at Visayas.

Ayon kay PAGASA hydrologist Richard Orendain, nasa 79.70 metro na ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam sa Quezon City alas-5 ng madaling araw kahapon malapit na sa spilling level nitong 80.15 metro. Posibleng umabot sa spilling level ang La Mesa Dam ngayong madaling araw kung magpapatuloy ang malakas na pag-ulan sa watershed nito. Nagbabala ang PAGASA na maaaring magdulot ito ng pagbaha sa mga lugar na malapit sa Tullahan River.

Nabatid kay Orendain na bahagyang bumaba na ang lebel ng tubig sa Tullahan River matapos itong halos umabot sa kritikal na antas. Gayunman, may posibilidad itong umapaw kung magpapatuloy ang pag-ulan at aabot sa spilling level ang La Mesa Dam. Nasa ligtas pang antas na 161.12 metro ang Angat Dam bagama’t tumaas ito ng 2.23 metro, malayo pa rin ito sa spilling level na 210 metro. Tinatayang aabot lamang sa 170 hanggang 175 metro ang lebel ng tubig nito pagsapit ng katapusan ng Agosto.

Sa Benguet, walong gate ang nakabukas sa Ambuklao Dam habang anim na gate naman ang bukas sa Binga Dam. Sa Pangasinan, kailangan pa ring madagdagan ang tubig sa San Roque Dam na nasa 239.72 metro lamang, kahit tumaas na ito ng anim na metro.

Patuloy namang magdadala ng pag-ulan ang Habagat sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon at Visayas. Inaasahan ang monsoon rains sa Ilocos Sur, La Union, Abra, Benguet, Zambales, Bataan at Occidental Mindoro, habang makararanas naman ng panaka-nakang pag-ulan ang Metro Manila at iba pang lugar sa Luzon at Visayas.

Samantala, itinaas na sa ikalawang alarma ng Marikina City government, umaga ng Linggo, Agosto 9, ang patuloy ang pag-angat ng level ng tubig sa Marikina River dahil sa mga pag-ulan dala ng Habagat.

Ang ikalawang alarma ay idineklara alas-10:56 ng umaga, dahil umabot na sa 16 metro, na nanga­ngahulugang dapat na lumikas ang mga residenteng apektado, ayon sa Marikina City Public Information Office.

Sa ilalim ng alert system ng lungsod, ang unang alarma ay nangangahulugan na dapat “prepare” o maghanda ang mga residente sa pag-akyat sa 15 metro ang taas , “above sea level”, habang ang ikatlong alarma ay magpapatupad na ng “force evacuation” kung umabot na 18 metro ang taas ng tubig.

PAGASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with