^

PM Sports

Obiena sumikwat ng gold sa Stabhochsprung Meeting

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ni reigning Asian Games champion EJ Obiena nang pagharian nito ang Stabhochsprung Meeting na ginanap sa Jockgrim, Germany.

Nagsumite ang 30-anyos two-time Olympian ng impresibong 5.83 metro upang makamit ang kampeonato sa torneo.

Ito ang ikaapat na gintong medalya ni Obiena sa outdoor at ikapito sa season na ito sa kabuuan kasama ang tatlong ginto sa indoor tournaments.

Hindi naging madali ang lahat kay Obiena na nahirapang makuha ang marka sa kanyang warm up sessions bago magsimula ang event.

Gayunpaman, masaya ito na unti-unti nang nagbabalik ang bagsik nito — bagay na pagpapakita ng kahandaan para sa kanyang title defense sa 2028 Asian Games na idaraos sa Set­yembre sa Nagoya, Japan.

“Was far from a smooth competition and some struggles during warm-up and earlier bars, but happy to scrape an 80 bar. We continue to work and now a few training sessions in before we go again,” ani Obiena.

Maganda ang inilalaro ni Obiena sapul nang magpalit ito ng coach at lumipat ng training venue.

Nasa ilalim ng paggabay ni Marcin Szcepanski ng Poland ang training prog­ram ni Obiena.

Mula sa Formia, Italy ay lumipat din ng training base si Obiena sa Athens, Greece sapul noong nakaraang buwan.

Natuldukan na ang mahigit isang dekadang pagsasama nina Obiena at dating Ukrainian coach nitong si Vitaly Petrov.

“It’s really hard. That decision was not made just because. We still talk and I call Vitaly from time to time. I love the guy, I really do,” ani Obiena.

Naitala ni Obiena ang season-best nitong 5.85m nang magkamit ito ng pilak sa Meeting Madrid sa Spain noong Hulyo 16.  

EJ OBIENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with