Alas Women determinado sa SEA V Cup Leg 2
MANILA, Philippines — Kailangang humataw ng panalo ang Alas Pilipinas Women sa pagpalo ng 6th Southeast Asia (SEA) V Cup Women’s Volleyball Leg 2 ngayon sa Chiang Mai, Thailand.
Ito ay matapos mahulog ang Alas Women sa No. 65 place sa pinakabagong FIVB World Rankings mula sa pagiging No. 45 dahil sa 0-3 kampanya sa Leg 1 sa Hanoi, Vietnam.
Kung magtatala ng panalo ang mga Pinay spikers sa Leg 2 ay inaasahan ang muli nilang pag-angat sa world rankings.
Nakatakdang labanan ng Alas Women ang host Thailand sa Leg 2 ngayong alas-5:30 ng hapon sa 700th Anniversary Chiang Mai Sports Complex.
Sina setters Jia de Guzman at Mars Alba ang bahala sa opensa kasama sina outside hitters Bella Belen, Eya Laure, Vanie Gandler at Vange Alinsug at opposite spikers Alyssa Solomon at Erika Santos
Dedepensa naman sina middle blockers Thea Gagate, Fifi Sharma, Dell Palomata at Niña Ytang katuwang sina liberos Dawn Catindig at Justine Jazareno.
- Latest



















