^

Police Metro

21 senador pinalulusaw TRO sa P85 wage hike

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nilagdaan nang lahat ng 21 senador ang isang resolusyon na humihiling sa Pasig RTC ang agarang pag-alis sa temporary res­training order (TRO) na nagpahinto sa pagpapatupad ng P85 daily wage increase sa Metro Manila.

Si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri ang nanguna sa paghain sa Senate Resolution No. 577 noong Martes na ipinagbabawal ng Labor Code ang mga korte na magpalabas ng injunction laban sa mga proseso ng wage board.

Sinuportahan din ng mga senador ang Department of Labor and Employment (DOLE), National Wages and Productivity Commission (NWPC), at Regional Tripartite Wages and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) sa pagpapatupad ng Wage Order No. NCR-27.

Binanggit sa resolusyon ang Article 126 ng Labor Code, na binago sa ilalim ng Republic Act 6727, na nagbabawal sa mga korte, tribunal, at iba pang entidad na magpalabas ng injunction o temporary restraining order laban sa mga proseso ng NWPC o ng mga regional wage board.

Nagbabala rin ang resolusyon na kung mananatiling epektibo ang TRO, maaari itong ma­ging basehan na magdudulot ng pagkaantala sa mga susunod na umento sa sahod sa iba pang bahagi ng bansa.

Inaprubahan ng RTWPB-NCR ang P85 na umento sa sahod matapos ang mga konsultasyon sa pagitan ng mga kinatawan ng mga manggagawa, mga employer, at pamahalaan.

Pero, sinuspinde ng Pasig City Regional Trial Court Branch 152 ang pagpapatupad nito noong Hulyo 30 matapos magsampa ng petisyon ang Readycon Trading and Construction Corp. at R-II Builders Inc at naging epektibo ang TRO hanggang Agosto 13 habang hinihintay ang mga susunod na pagdinig.

WAGE HIKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with