^

Metro

2 ‘Akyat-Bahay’ member nakorner

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasakote ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dalawang suspek na miyembro ng ‘Akyat-Bahay’ at nabawi ang mga ninakaw na piyesa ng sasak­yan na nagkakahalaga ng humigit-kumulang P40,000.00 sa lungsod nitong Miyerkules ng madaling araw.

Kinilala ni QCPD director PBGen Randy Glenn Silvio, ang mga suspek na sina alyas “Juan,” 20, residente ng Antipolo City, at “Paul,” 37, ng Brgy. Tandang Sora, Quezon City.

Sa report ni PLt. Col. Von DV Alejandrino, hepe ng Talipapa Police Station (PS 3) ng QCPD, alas-11:00 ng gabi noong Agosto 4, napansin ng may-ari ng isang vape shop sa Longanese St., Saint Charbel 1, Brgy. Tandang Sora, ang kahina-hinalang kilos ng isa sa mga suspek na umaaligid sa kanyang establisyimento.

Bandang alas-2:30 ng madaling-araw nitong Agosto 5, nakita umano ng biktima ang suspek na lumalabas mula sa bodega habang may dalang sako ng semento na nakalagay sa isang kariton.

Dahil sa hinalang ninakaw ang mga gamit, palihim niyang sinundan ang suspek, na nagtungo sa isang kalapit na junk shop.

Pagdating sa lugar, agad na humingi ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng PS 3 na nagpapatrolya sa lugar, na nagresulta sa pag-aresto sa suspek alas-3:00 ng madaling-araw nitong Miyerkules, Agosto 5. Agad namang inginuso ng suspek sa “Paul” at sinabing inutusan lamang siya dahilan upang arestuhin din ito.

Inihahanda na ang kasong Robbery (Akyat-Bahay) laban sa mga suspek.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with