Bato naaresto sa hotel?
DOJ, NBI itinanggi
MANILA, Philippines — Kumalat kahapon sa social media ang pagkakaaresto kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa sa isa umanong hotel sa Davao City na may nakabinbing warrant of arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC).
Subalit mabilis naman ang pagtanggi ng Department of Justice (DOJ), National Bureau of Investigation (NBI), Department of Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP) sa isyu sa pagsasabing wala pa silang natatanggap na impormasyon hinggil dito.
Sa isang press briefing, nilinaw ni DOJ spokesperson Polo Martinez na wala pa silang hawak na pormal na ulat bilang patunay na may naganap na pag-aresto hinggil sa kumakalat na balitang naaresto na ang senador.
Maging sina Senador Imee Marcos, Robin Padilla, at Ping Lacson ay sinabing walang kumpirmasyon o “negative” ang kanilang mga balita mula sa mga awtoridad tungkol sa isyu.
Gayunman, naging palaisipan sa publiko ang post ni Atty. Jimmy Bondoc, legal counsel ni Dela Rosa na “Bad news is coming. Pray hard that this is not true, for the good of the nation.”
Si Dela Rosa ay nahaharap sa mga usapin kaugnay ng warrant mula sa ICC dahil sa reklamong crimes against humanity.
- Latest




















