Himala: Niligtas sa rumaragasang baha (Part 2)
MAG-ISA akong umuwi matapos tulungan ang aking titser sa pag-aayos ng mga gamit. Ang kaklase ko ay malapit lamang ang bahay sa school kaya hindi na siya tatawid sa sapa.
Tumigil na ang ulan kaya nagmamadali kami ng aking classmate na umuwi. Madilim pa rin kasi ang langit at nagbabanta na naman.
“Hindi ka ba natatakot umuwi, Josie?” tanong ng kaklase kong si Maryann.
“Hindi naman. Pagtawid ng sapa, malapit na rin ang sa amin.”
“Paano kung umapaw na ang sapa na dadaanan mo?”
“Hindi pa naman siguro, Maryann.”
“Gusto mo sa bahay ka na muna at bukas na lang umuwi?”
“Huwag na. Malapit lang naman ang sa amin. Isa pa nakakahiya sa inyo.”
“Bakit ka mahihiya? Mabuti nga at makakapagkuwentuhan tayo buong magdamag.”
“Sa ibang araw na lang, Maryann.”
“E di sige. Pero kung mahihirapan kang umuwi, pumunta ka sa bahay ha?”
“Oo. Salamat Maryann.”
“Mag-ingat ka, Josie.”
Umalis na ako. Dumidilim na dahil sa nagbabantang ulan.
Nang makarating ako sa sapa, nagulat ako sapagkat apaw na ito. Nakalubog na ang kawayang tulay. Hindi maaring daanan. Delikadong tumawid!
Pero kailangan kong makauwi. (Itutuloy)
- Latest




















