^

Probinsiya

2 rider dedo sa dump truck

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang motorcycle rider ang patay kabilang ang isang miyembro ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos araruhin ng isang dump truck sa bahagi ng Zigzag Road sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal, Miyerkules ng hapon.

Isinugod pa sa pagamutan subalit kapwa idineklarang dead-on-arrival ang 22-anyos na empleyado ng isang pharmaceutical company at isang alyas “Christian,” 31-anyos na aktibong miyembro ng BJMP.

Sa ulat, naganap ang aksidente bandang ala-1:30 ng hapon ng Hulyo 22, 2026, sa pababang bahagi ng Zigzag Road, sa Rodriguez, Rizal.

Lumalabas na nawalan umano ng preno ang dump truck at pagsapit sa pababang bahagi ng kalsada ay hindi na nakontrol at pumasok sa kabilang linya kung saan inararo nito ang kasalubong na dalawang motorsiklo na paakyat sa mismong bahagi ng kalsada.

Napigilan na ang pagdiretso ng dump truck matapos bumangga sa railing at concrete barriers ng gilid ng kalsada.

Depensa ng driver ng truck sa traffic investigator, sa boundary ng Quezon City at Montalban ay naram­daman na ang pagkawala ng preno kaya pinilit na maitabi subalit dahil sa bahagi ng pababang kalsada ay hindi nakontrol.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with