Fixer sa LTO-Valenzuela timbog sa CIDG
MANILA, Philippines — Isang lalaki na umano’y sangkot sa illegal fixing activities sa harap ng Land Transportation Office (LTO)-Valenzuela District Office sa Brgy. Maysan, Valenzuela City, sa ikinasang operasyon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Kinilala ng CIDG ang suspek sa alyas na “Gary,” 35 at residente ng Navotas City. Isinagawa ang operasyon noong Martes matapos makatanggap ng reklamong iniendorso ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).
Ayon sa CIDG, humingi umano ang suspek ng P8,500 kapalit ng isang araw na pagproseso ng driver’s license, mas mataas sa regular na bayad na P7,500 para sa tatlong araw na proseso.
Ipinagmalaki rin umano ng suspek na mayroon siyang koneksiyon sa loob ng LTO-Valenzuela na nagpapabilis ng mga transaksyon.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 11032 o Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act.
- Latest




















