Alas Men babawi sa Cambodia

MANILA, Philippines — Tiwala si Alas Pilipinas coach Angiolino Frigoni sa mga bataan nitong naglaro sa katatapos na 6th SEA V Cup men’s first leg na ginanap sa Candon City, llocos Sur may isang Linggo na ang nakaraan.
Tumapos lamang ang Alas Pilipinas na pang fifth place pero bumilib pa rin si Frigoni sa ipinakitang laro ng kanyang players.
Hindi nangangako ang Italian mentor na makakasungkit sila ng titulo sa susunod nilang sasabakan, pero sinisiguro nitong may magandang hinaharap ang kanyang mga players.
Muli makikilatis ang Alas Pilipinas, makakahap nilang muli ang SEA V Cup first leg champion Cambodia sa Huwebes sa second at last leg ng annual event sa Jakarta, Indonesia.
Yumuko ang Alas Pilipinas sa limang sets kontra Cambodia nang magsagupa sila sa Pool B elimination round ng 1st Leg SEA V Cup sa Candon.
Nasungkit ni Josh Ybañez ang Best Libero sa Candon, pamumunuan nito ang parehong squad kasama ang kapwa World Championship veterans na sina Lloyd Josafat, Louie Ramirez at Vince Lorenzo at Southeast Asian Games beach volley medalist Jude Garcia.
Nasa line up din sina Jian Salarzon, Axel Van Book, JJ Macam, Al Bukhari Sali, Rodge Alejos, Trevor Valerra, Lirick Mendoza, Josh Magalaman, Greg Ancheta, Adrian Villados at Vennie Ceballos.
Ayon kay Frigoni, bukas pa rin ang pintuan para sa mga Alas players na hindi naglaro sa Candon, kailangan nilang magtrabaho at maglaro upang makuha nila ang dati nilang puwesto sa team.
- Latest


















