Ang tunay na lider
ISANG babae ang nagpi-fill out ng application para sa isang prestihiyosong kolehiyo sa England. Sa bandang hulihan ng application ay may isang katanungan na sasagutin lang niya ng Yes or No: Kaya Mo Bang Maging Pinuno?
Pinag-isipan ng babae kung ano ang kanyang isasagot. Ipinasya niyang maging tapat sa kanyang kasagutan kaya NO ang sagot niya.
Bagaman at gusto niyang maging matapat, nag-alala siya na baka iyon maging dahilan para ma-reject siya sa kanyang aplikasyon kahit pa niya maipasa ang written examination.
Pagkaraan ng isang buwan, natanggap niya ang resulta ng kanyang examination. Pasado siya ngunit kailangan pa rin niyang matanggap ang second letter kung saan sasabihin na puwede na siyang mag-enrol. Bukod sa written examination, ini-evaluate pa rin ang iba pang mga sinagot nila sa application form. Lumipas ang isa pang buwan ay natanggap niya ang second letter:
Dear Candidate:
Nasisiyahan naming ipaalam sa iyo na tinatanggap namin ang iyong aplikasyon at maaari ka nang mag-enroll. Inaanyayahan ka rin namin na dumalo sa pagsasanay na nabanggit sa unang bahagi ng liham dahil nakitaan ka namin ng potensiyal na maging pinuno. Ang mahusay mamuno ng mga tao, higit sa lahat, ay dapat munang maging matapat sa sarili at hindi mapagkunwari.
- Latest

















