^

Metro

Realignment ng LRT-1 Cavite Extension, tinutulan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Realignment ng LRT-1 Cavite Extension, tinutulan
Photo shows the LRT-1
Dr. Santos Station Released / Light Rail Manila Corporation

MANILA, Philippines — Mariing tinutulan ni Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos ang planong realignment ng P64.9 bilyong LRT-1 Cavite Extension Project at iginiit na hindi dapat ipasa sa mga nagbabayad ng buwis ang bilyun-bilyong pisong karagdagang gastos na maaaring idulot nito.

Ayon kay Santos, mahigit P4 bilyon na ang nagastos ng pamahalaan sa mga obligasyong kontraktuwal sa Light Rail Manila Corp. (LRMC) dahil sa matagal na pagkaantala ng proyekto. Aniya, anumang panibagong pagbabago sa alignment ay lalo lamang magpapataas sa halaga ng proyekto.

Sinabi rin ng mambabatas na nakapaglaan na ang pamahalaan ng mahigit P28 milyon para sa right-of-way ng mga planong istasyon sa Las Piñas at Zapote, habang nananatiling hindi pa nareresolba ang Right-of-Way Usage Agreement (ROWUA) para sa Las Piñas Station.

Ayon kay Department of Transportation (DOTr) Secretary Giovanni Lopez, ang hindi pagkakasapinal ng ROWUA ay maaaring magdulot ng panibagong pagkaantala sa proyekto at magpataas pa ng kabuuang gastos nito.

Babala ni Santos, maaari ring maapektuhan ang humigit-kumulang 50 pamilya kung itutuloy ang realignment. Aniya, dapat isulong ng pamahalaan ang mas praktikal at mas ma­tipid na solusyon upang maiwasan ang dagdag na pasanin sa kaban ng bayan at sa mga residenteng maaapektuhan.

LRT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with