^

Punto Mo

Himala: Iniligtas ng guardian angel (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

“SUWERTEH natin ‘tol, ang ganda nga ng tsik! Parang labanos sa puti!” sabi ng isa sa mga lalaki. Nakita ko ang mapulang mga mata na naihalintulad ko sa demonyo. Pagkatapos ay nagha­lakhakan ang dalawa.

Sa kabila ng pa­nganib, naging kalmado ako. Hindi ako nagpa­kita ng takot. Nag-iisip ako ng paraan kung paano matatakasan ang dalawang demonyo.

Kasabay niyon, nagdasal ako sa Diyos na ­iligtas sa dalawang halang ang kaluluwa.

Bigla kong naalala ang aking guardian angel na si Lauviah.  Si Lauviah ang guardian angel ng mga ipinanganak ng Mayo 10-15. Ako ay pinanganak ng Mayo 13. Madalas kong alayan ng dasal ang aking guardian angel na si Lauviah.

Tulungan mo ako sa pagkakataong ito, Lauviah! Naibulong ko.

Nakita ko na kumilos ang isa sa mga lalaki. Hinarap ako.

“Tingnan ko nga kung maputih talagah ang tsik na itoh!” sabi at lumapit sa akin.

“Bilisan mo ‘Tol at baka makatakas pa ‘yan!” sabi ng kasama.

“Hindih makakatakas ‘yan!”

Nagpasya ako! Tatakas ako! Sasagasain ko ang malakas na ulan. Hindi na baleng mabasa, huwag lang maging biktima ng mga adik.

Subalit nang akma na akong tatakbo, ­hinawakan ng isa sa mga adik ang aking braso.

“Tatakas ka ha? Hindi puwedeh!” mahigpit ang pagkakahawak sa braso ko.

Nang biglang may dumating na lalaki. Matangkad at malaki ang pangangatawan. Puting-puti ang suot! (Itutuloy)

ANGEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with