Mariel, ‘nagalit’ kina Angel at Anne

MANILA, Philippines — Nag-unfollow na si Mariel Rodriguez kina Angel Locsin at Anne Curtis sa Instagram (IG).
Ito ang napansin ng netizens kahapon matapos maglabas ng saloobin si Darna (Angel Locsion) laban kay Sen. Robin Padilla na sinuportahan ng host ng It’s Showtime.
Tumalak nga si Angel sa kanyang IG page matapos ang mahaba-habang pananahimik at ipinaalala sa kanyang ‘kuya’ na dapat ang kanyang katapatan ay sa sambayanang Pilipino at hindi sa iisang tao lang.
Kung saan kabilang si Anne sa mga nag-welcome kay Angel sa kanyang pagbuhay sa social media career niya.
Sa kasalukuyan ay diumano’y nagda-damage control na rin ang kampo ni Sen. Padilla at nagbigay ng statement sa pinag-uusapang paggamit ng Artificial Intelligence o AI-generated tsonggo na nakabarong na naglalarawan sa mga Pinoy sa isang state-owned media company ng China.
Heart, humamig ng 100 million views
Bongga, mahigit 100 million views na pala ang mga social media video ni Heart Evangelista mula sa Paris Fashion Week.
Bukod pa ito sa libu-libong likes and comments na nakukuha ng bawat social media post ng style icon, ayon sa computation na ginawa ng kanyang fans and followers.
Pinunto nila na ang bilang na ito ay nagpapatunay na inaabangan ang social media posts ni Heart lalo na tuwing dumadalo siya sa iba’t ibang fashion events sa Europe.
Sabi ng followers ni Heart, nakakagiliw at informative ang mga sine-share ng artist-entrepreneur sa kanyang Facebook and Instagram pages dahil kapupulutan ito ng fashion tips and latest trends.
Ayon din sa fans ni Heart, masasabing kabilang ang fashion and lifestyle influencer sa “chosen few” sapagkat si Heart ay naiimbitahan sa mga event na kinabibilangan ng maraming international celebrity.
Sa ngayon, balik sa Pilipinas na si Heart matapos siyang um-attend sa ilang kaganapan sa mundo ng fashion sa Europe.
Samantala, sa isang post sa social media, inalala ni Heart na nagsimula siya sa mundo ng fashion noong siya’y 13 years old pa lamang.
“13 years old to 41, after 28 years, and I still get to do what I love. fashion week is officially over. thank you for the love and support. it was never about the numbers or likes but the number of years staying in this industry. stay kind, grateful and humble:),” sabi ng fashion guru.
Sumasang-ayon ang kanyang mga tagahanga—na ang pagiging mabait, marunong magpasalamat, at mapagpakumbaba ay dapat manatili sa tao sa anumang propesyon.
Kilala si Heart bilang isa sa mga artistang may mabuting puso at mapagpakumbaba sa showbiz industry.
Kaya naman nagbibigay siya ng inspirasyon hindi lang sa mga fashionista sa buong mundo kundi pati sa followers niyang sumusubaybay sa bawat ganap at rampa ni Heart.
Anyway, ang Paris Haute Couture ay itinuturing na pinakatuktok ng “custom-fitted” at “high-end” fashion, na pinangangasiwaan ng Fédération de la Haute Couture et de la Mode. Idinaraos ito nang dalawang beses sa isang taon sa Paris, France.
Bago ang Paris Haute Couture, dumalo si Heart sa Rome Fashion Week para sa Fendi. Si Heart ang kaisa-isang Filipino na naimbitahan na dumalo sa event na ito.
- Latest























