^

Bansa

SWS: Satisfaction ni VP Sara, umangat

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bahagyang umangat ang net satisfaction rating ni Vice Pres. Sara Duterte sa SWS Second Quarter 2026 survey, mula +29 noong Marso tungo sa +31 ngayong Hunyo.

Lumabas na 58% ang satisfied at 26% ang dissatisfied sa kanyang performance. Pinakamataas ang suporta sa Min­danao (+84), kasunod ang Visayas (+36), Balance Luzon (+10), at Metro Manila (+3).

Ayon sa SWS, ang pagtaas ay bunsod ng limang puntos na dagdag sa Balance Luzon at dalawang puntos na dagdag sa Mindanao, habang bahagyang bumaba ng dalawang puntos sa Metro Manila at nanatiling steady sa Visayas. Ang terminolohiya ng SWS ay nagsasabing ang +30 hanggang +49 ay “good.”

Samantala, unang beses na sinukat si Senate President Sherwin Gatchalian na nakakuha ng moderate rating na +18, may 45% satisfied at 27% dissatisfied. Pinakamataas ang kanyang grado sa Visayas (+30), kasunod ang Balance Luzon (+21), Metro Manila (+15), at Mindanao (+5).

Si House Speaker Bojie Dy III ay nakapagtala ng neutral rating na +8, mas mataas ng apat na puntos mula Marso. Si Chief Justice Alexander Gesmundo naman ay moderate sa +10, bahagyang tumaas mula +9.

Ang nationwide survey ay isinagawa sa 1,200 adults mula Hunyo 20–29, gamit ang face-to-face interviews. May margin of error na ±3% sa national estimates at ±6% sa Metro Manila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao.

 

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with