Regine, may paandar sa finale concert

Bukod sa two-night Finale concert ni Regine Velasquez, magkakaroon din siya ng Meet & Greet sa Oct. 19, 2026 sa City of Dreams Grand Ballroom. Kaya lang, exclusive ito sa Platinum 1 ticket holders sa Day 1 ng concert na Oct. 17. May tiket din para sa Meet & Greet at sa July 30 magsisimulang maging available ang ticket sa SM Ticket Outlets.
Nagkaroon ng chance ang fans ni Regine na makita siya nang malapitan, kaya kahit mapapanood nila si Songbird sa Oct. 17 at 18, kaya go sila sa Meet & Greet. Bale ba, hindi mura ang tiket sa Platinum 1 dahil tumataginting na P15,120.
Kung pakikinggan ng producer ng Finale ang request ng fans, hindi ito ang magiging last major concert niya. Marami ang nag-request na dalhin ni Regine sa Cebu ang concert at gawin sa bagong bukas na SM Cebu Arena.
Bea, ginamit ang ‘palagi’ sa kasal
Nag-post na rin si Bea Alonzo ng wedding photo nila ng husband niyang si Vincent Co.
Four black and white photos ang pinost ng aktres with a simple caption “Home.” Wala nang iba pang sinulat si Bea at kapansin-pansin ang music na ginamit sa kanyang post.
Ang kanta nina TJ Monterde at KZ Tandingan na Palagi ang background music na ginamit ni Bea sa kanyang post. Parang theme song ng couple ang nasabing song dahil nag-duet sila sa song na ito noong nasa Noctos Bar sila kasama ang ilang kaibigan.
Naaliw pa nga ang netizens na nakapanood ng reels nina Bea at Vincent na kumakanta dahil sa phone niya na may lyrics ng song ang tsini-check ni Vincent. Hindi niya memorized ang lyrics, pero nasa cellphone niya ang lyrics, kaya natapos nilang kantahin ang song.
Sa post ni Bea, mababasa ang congratulatory remarks ni Heart Evangelista na “I’m so happy sister so happy!!!” ang comment ni Anne Curtis na “Congratulations!!! Dinner when we get baaaaaack!” at comment ni Carla Abellana na “Congratulations again, Bey!”
Nag-congratulate rin sina KC Concepcion, Yasmien Kurdi, Derek Ramsay, Mariel Padilla, Gladys Reyes, Barbie Forteza, Rabiya Mateo, Julie Anne San Jose, Rodjun Cruz, Camille Prats, Vina Morales, Isabelle Daza, David Licauco, Gabby Eigenmann, Rayver Cruz, Pauleen Luna, Agot Isidro at marami pang iba.
Kylie at Luis, mag-asawa na!
May bagong love team na kinakikiligan ang TV viewers ngayon at ito ay ang love team nina Kylie Padilla at Luis Hontiveros, gumaganap na mag-asawa sa action series ng GMA na Taskforce Firewall.
Bagay raw ang dalawa, mula sa height at sa face card. Klik ang reels ng dalawa na nagyayakapan at kahit alam na scripted, marami pa rin ang kinilig. May nag-comment pa nga na mas guwapo at mas may dating si Luis kesa kay Aljur Abrenica. Parang mali lang ang pagkukumpara dahil matagal nang hiwalay sina Kylie at Aljur at kay Jak Roberto nali-link si Kylie ngayon.
Kaya lang, sa pagpasok ni Luis sa universe ni Kylie, nakalimutan bigla si Jak, naligwak ang aktor sa mga kinikilig na fans. May mga request na sa pagtatapos ng series, gawing endgame ang mga karakter nina Luis at Kylie at marami ang matutuwa.
Marami ang natawa sa comment na kina Kylie at Luis, magkabati ang Padilla at Hontiveros. Sa Senado kasi, magkalaban sina Sen. Robin Padilla at Risa Hontiveros.
- Latest





















